Ryke - 4am in Caloocan (Freestyle) paroles de chanson

paroles de chanson 4am in Caloocan (Freestyle) - Ryke



Naranasan mo na bang sumulat ng biglaan
Sabay record yung dahilan ay di mo malaman
Siguro'y may gusto lang akong ilabas
Ang hirap magpanggap na ika'y malakas
Akala ng iba ikaw ay masaya
Mukhang walang problema hindi ko lang pinahalata
Sabi nga nila, ito ay nasa nagdadala
Hirap na hirap na ko wala naman nag aalala
Minsan ay gusto ko nang lisanin ang mundo
Natatakot lang ako na kausapin ang sundo
Baka di payagang lumingon sa mga ala-ala
Para bang masaya kung nandito at buhay ka sana
Hangga't maaari ay ayoko po na bumitaw
Kilala akong tahimik pede ba kong sumigaw
Pag natuloy ba meron bang dadalaw o lilitaw
Kahit na madaan lang sana yung tipong naligaw
Ng maranasan ko ulit, kung pano ba mahalin
Namanhid na ko sa sakit, kahit ako'y sapakin
Ano nga bang pinaglalaban mo dito at alin
Ang pangarap mo ba o yung imahe mo sa salamin
Alin
Di ko ninais na humantong sa ganto
Nahihirapan din ako
Binenta ko si marlon para lang bilhin si loonie
Parang simple ba pero isipin mong mabuti
Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo
Kaya mo bang ipaglaban ang pangarap mo hanggang sa nitso
O isa ka lang sa daan daan na nagdahilan
Wala daw pag-asa pero naghihintay ka ng ulan
Panay ang reklamo pero wala kang ginagawa
Di ka na nga nagkaron respeto pa sayo'y nawala
Oo meron pero wag kang umasa sa himala
Maniwala lalo sa sarili sabay tingala
Pasalamat sa taas kahit na mas madalas,
Ang kamalasan kesa pagpapala sanang binasbas
Sakin kaya akoy alanganin na manalangin
Napapagod lang pero naniniwala ama namin
Hinusgahan agad hindi pa alam ang hangarin
Talaga nga bang ganitong mga tao dito satin
Nagdadalawang isip kung dapat pa bang tahakin
Ang landas na pinili ko'y talaga bang para sakin
Nakaluhod kong lalakarin kahit na hindi kumain
Di matulog di maligo lahat yan inyong sumahin
Bumitaw sa relasyon kahit ang tagal na namin
Nakipagsagutan sa pamilya kahit palayasin
Kaya wag mo kong kwestyunin man o hamakin
Buhay ko ang tinaya ko para lang to mapasakin
Di ko ninais na humantong sa ganto
Nahihirapan din ako
Pero di ko kayang bumitaw
Kasi alam ko na gagawin mo
Kung ako ikaw
Ako ay lumuluha habang sinusulat to
Alam kong kinagulat niyo dapat ay binubuhat to
Problema kong pasan akin bang malalam-pasan
Hanggang dito na lang ba ako o kaya hanggang saan
Pasensya na hindi ko hangad ang manalo
Panalo na ko nang makita niyo ko sa entablado
Pasensya na hindi ko hangad ang manalo
Makilala lang ako ng bawat tao dito ay panalo na ko



Writer(s): Jose Jr Morales


Ryke - 4am in Caloocan (Freestyle)
Album 4am in Caloocan (Freestyle)
date de sortie
09-05-2019




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.