Sam Mangubat - Kulang Ang Mundo paroles de chanson

paroles de chanson Kulang Ang Mundo - Sam Mangubat



Masdan mo ang alapaap
At mga puwang nito
Sa pagitan ng mga ulap
Doon tayo tutungo
Sa pag-ibig kong ito
Humanda ka maglakbay sa
Kalawakan dahil
Para sa'yo mahal ko
Ay hindi sapat ang dulo
At hangganan ng mundo
Kaya't ako ay bubuo
Ng bagong paraiso
At doon matatanto
Sa pag-ibig ko
Ay kulang ang mundo
Hoooooh oooooh
Sa likod ng mga tala
Paglabas ng himpapawid
Sa hindi mo pa nakikita
Doon ka ihahatid
Ng pag-ibig ko sa'yo
Humanda kang
Tuklasin ang
Isang bagong dako
Para sa'yo mahal ko
Ay hindi sapat ang dulo
At hangganan ng mundo
Kaya't ako ay bubuo
Ng bagong paraiso
At doon matatanto
Sa pag-ibig ko
Ay kulang ang mundo
Kung sa'kin ay kakapit
Ang anumang balakid
Ay di makakapigil
Sa ating lalakbayin
Ang mundo ng panaginip
Ang 'yong mata'y ipipikit
Makikita mo aking pag-ibig
Hoooooh woooooh
Sa pag-ibig kong ito
Humanda ka
Maglakbay sa
Kalawakan dahil
Para sa'yo mahal ko
Ay hindi sapat ang dulo
At hangganan ng mundo
Kaya't ako ay bubuo
Ng bagong paraiso
At doon matatanto
Na kung hahayaan mo
Ang iyong puso
Lakbayin ang lawak
Ng pag-ibig ko sa'yo
Makikita mo na
Kulang ang mundo



Writer(s): Jan Daryl E Cielo


Sam Mangubat - Kulang Ang Mundo - Single
Album Kulang Ang Mundo - Single
date de sortie
13-11-2020




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.