ALLMO$T - Heart React текст песни

Текст песни Heart React - ALLMO$T



Pa'no kung ikaw at ako na lang, pa'no kung walang mangingialam
Ako ba'y hanggang tingin na lang, sana ay hindi, hindi naman
Sabihin mo na sa 'kin kung ika'y may aaminin
Para 'di tayo mabitin, ayoko na kasing patagalin pa
'Wag na natin patagalin, nanghihinayang lang kasi sa yakap at halik
Noon pa lang kita nakita, biglang umapaw ang saya pero nakakabitin
Hindi ko na kasi alam ang tanging paraan
Basta mahal kita, pangakong 'di kita iiwanan
Sana, baby, 'wag ka nang matakot at umamin ka na
Kaya, baby, lumapit ka na sa 'kin at sabihin mo na
Sabihin mo na na ako ang gusto mo kasi alam ko naman
Pa'no kung ikaw at ako na lang, pa'no kung walang mangingialam
Ako ba'y hanggang tingin na lang, sana ay hindi, hindi naman
Sabihin mo na sa 'kin kung ika'y may aaminin
Para 'di tayo mabitin, ayoko na kasing patagalin pa
Hindi ko na pahahabain, gusto kong dumiretso
Hindi na kita dadaanin sa mga imbento
Wala na 'kong mahabang paliwanag o komento
Mahalaga alam mo na ikaw lang ang kukumpleto
Madaming iba d'yan, kayang ibigay lahat
Ang kaso lang hindi na magawang maging tapat
Masyadong nalibang na magmahal, 'di iningatan
Kung ano ang kapalit ng panahon na nasasayang
Bagamat sa panahon ngayon, mahirap talagang makuha
At mahagilap kung sino ang 'di ka mapapaluha
Hayaan mo nandito lang ako, handa 'kong magkusa
Iparamdam sa iyo, pangakong 'di 'to huhupa
Ayoko ko din namang masayang
Ang pagkakataon at sa huli ay manghinayang
Tapatin mo din ako nang 'di tayo naghihintayan
Sabay nating tuparin at gawin din ang wala nang hiwalayan
Pa'no kung ikaw at ako na lang, pa'no kung walang mangingialam
Ako ba'y hanggang tingin na lang, sana ay hindi, hindi naman
Sabihin mo na sa 'kin kung ika'y may aaminin
Para 'di tayo mabitin, ayoko na kasing patagalin pa
Kanina ko pa nakikita ang 'yong mga mata
Ikaw ay patingin-tingin na para bang ikaw ay nahihiya
'Wag ka nang matakot na sabihin kung ano man ang iyong nararamdaman
Hindi ka pababayaan kaya 'wag ka nang mag-alinlangan na
Sumama, ako ang bahala, 'di kita ipapahamak
Aalalayan kita sa bawat pag-apak kaya 'lika na sa akin humawak
Sa bawat sandali na nakikita ka
Ay nahihiya din ako pero gusto ko nang sabihin na
Pa'no kung ikaw at ako na lang, pa'no kung walang mangingialam
Ako ba'y hanggang tingin na lang, sana ay hindi, hindi naman
Sabihin mo na sa 'kin kung ika'y may aaminin
Para 'di tayo mabitin, ayoko na kasing patagalin pa
Sabihin mo na sa 'kin kung anong gusto mo
Handa naman ang puso ko na makinig sa 'yo
Wala namang problema kung nais mapalapit
Dahil sa isang katulad mo'y wala nang hihigit
Ang nararamdaman ko ay hindi mapaliwanag
Sa tuwing katabi ka ang puso ko'y napapanatag
'Di ko hahayaan na ikaw ay mawala pa
Sa piling ko, dahil ikaw ang nagbigay-liwanag
Patuloy na nahuhumaling
Kahit anong gawin ko ay hindi ko maibaling
Tingin ko sa iba dahil ikaw ang natatanging
Babaeng tumupad sa aking mga panalangin
'Wag sana natin 'to patagalin
Palaging nahuhulog sa 'yo kahit na anong gawin
Siguro kung sa akin ka ay parang langit na rin
Sana nga balang-araw ay mapamahal ka na rin
Pa'no kung ikaw at ako na lang, pa'no kung walang mangingialam
Ako ba'y hanggang tingin na lang, sana ay hindi, hindi naman
Sabihin mo na sa 'kin kung ika'y may aaminin
Para 'di tayo mabitin, ayoko na kasing patagalin pa
Pa'no kung ikaw at ako na lang, pa'no kung walang mangingialam
Ako ba'y hanggang tingin na lang, sana ay hindi, hindi naman
Sabihin mo na sa 'kin kung ika'y may aaminin
Para 'di tayo mabitin, ayoko na kasing patagalin pa




ALLMO$T - Heart React - Single
Альбом Heart React - Single
дата релиза
24-01-2020




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.