ALLMO$T - Naghihintay текст песни

Текст песни Naghihintay - ALLMO$T



Malaman mo sanang ako ay naghihintay lamang sa 'yo
Dahil ang tanging laman nitong puso ko ay pangalan mo
Ako'y maghihintay
'Yung dating panahon ko na matamlay
Sa wakas ay mababago
Hindi na 'ko malulumbay
Dahil sa 'yo, oh
Nung nakilala mo ako, oh
Hindi na kasing-labo ng mga panahong dating umaasa lang ako
Kasi nga nand'yan ka
Lagi kang masaya
Pa'no ba naman 'pag nakikita laging nakangiti ka
'Wag ka nang mangamba
Sana nga'y hindi na
Gusto ko nang umamin
Bago pa 'ko maunahan ng iba
Kasi madalas na kitang nakakasama
Mapaaraw o ulan
O sa gabi ng kadiliman
Lagi ka na lang sa tabi
Kapag ako'y may kailangan
Lagi kang nandiyan
Kahit ano mang oras ka tawagan
Kaya nga malabo na kitang maiwanan
Diyan nasusukat ang tunay na pagmamahalan
Dapat mong asahan ang mga katunayan
Ng aking nararamdaman, 'di ko na mapigilan
Malaman mo sanang ako ay naghihintay lamang sa 'yo
Dahil ang tanging laman nitong puso ko ay pangalan mo
'Di mabanggit ang nararamdaman
Aaminin o 'tatago na lang
Ako ay maghihintay
Sa 'yo ay naghihintay
Sana ay mahalin mo rin
At makuha ang pag-ibig mo
Pa'no ba 'ko mananalo sa 'yo? (Oo, pa'no ba?)
Kung palagi na akong ganito (oh, oh)
Napapahinto (oh)
Ano nga bang gagawin ko? (oh)
Natatakot na baka 'di mo pansinin
Kasi lupa ako, ikaw ay bituin
Kaso pa'no ko nga ba gaganapan
Eh sa harapan mo ay 'di ko kayang ilaan
Palaging may ilang na 'di ko maidahilan
Ano ba ang kaibahan sa 'yong mata ay nakikita yung kinang
Pa'no ba mangyayari kung madalas nadya-dyahe?
Umuurong lang ang pakiramdam (oh, woah, oh)
Binibini ko, mundo ko'y paikutin
Unawain mo kung ako'y mahiyain
Basta 'di ko na ito pahuhupain
'Di ako papayag na hindi kita maipakilala sa 'min
Kahit manhik-manaog pa ako sa inyo
Basta marinig mo lang mula sa aking bibig
Iniibig ka, walang hangad na kapalit
Basta palagi ako na nandito at naghihintay (naghihintay)
Kahit ga'no katagal sa iyo ako ay maghihintay (maghihintay)
Alamin mong laging sa 'yo (woah, laging sa 'yo, woah)
Lakas ng loob na lang yung kailangan ko nang
Malaman mo sanang ako ay naghihintay lamang sa 'yo
Dahil ang tanging laman nitong puso ko ay pangalan mo
'Di mabanggit ang nararamdaman
Aaminin o 'tatago na lang
Ako ay maghihintay
Sa 'yo ay naghihintay
Sana ay mahalin mo rin (yeah)
At makuha ang pag-ibig mo
Kahit ga'no katagal mo pa 'ko na mapagbigyan (mapagbigyan)
'Matic ako ang nandiyan na palagi kang papakinggan (papakinggan)
Maging ano mang kailangan mo
Palaging maaasahan 'to
Dahil sa 'yo lang maglalaan ng panahon para namamalayan mo
Hindi mo man 'to tanungin
Ikaw ang aking hinihiling
At kahit sa'n makarating
Sa 'yo palaging tumitingin
Kaso pa'no nga ba sa 'kin bibilib
Kung sa iba ka naman nakikinig
Ayoko nga rin sana 'to na kimkimin
Baka lang maisip na ako'y naiinip
Pero kaya ko namang maghintay
'Di naman ako nagmamadali
Kung puwede ka palaging kasama
Talaga namang mapapangiti
Kahit na hindi man 'to nauna
Pansamantala, ako na muna
Ang mag-aalaga't 'di lumuha
Puso mo na balang araw makukuha
Kaya dapat lang na panghawakan mo
Na hindi ko puwede pabayaan 'to
Nais ko na maipadama, sana 'di na mawala
Tulad mong inaalayan ko
Ika'y kapanapanabik
'Di ko iniisip na magkakamali
Ayos na sa akin kung patuloy na lang muna kitang ipagmalaki at least
Malaman mo sanang ako ay naghihintay lamang sa 'yo
Dahil ang tanging laman nitong puso ko ay pangalan mo
'Di mabanggit ang nararamdaman
Aaminin o 'tatago na lang
Ako ay maghihintay
Sa 'yo ay naghihintay
Sana ay mahalin mo rin
At makuha ang pag-ibig mo
Kahit na matagal pag-ibig ko ay sa iyo lang
'Di man mahulaan ang iyong pagtingin
Asahang andito lang hanggang sa 'yong lingunin
Kasi gusto ko na malaman mong tanging sa 'yo lamang
Ibibigay ang tala na kayang sungkitin
Kaya pa'no na lang kung ito'y 'di mo malaman
Natatakot na baka ako'y maunahan
Kaya 'di magdadalawang-isip na ika'y puntahan
Nagkakamali ka kung inaakala mong 'di ko gagawan ng paraan
Upang malaman mong 'di ka hahayaan na mag-isa
Panalangin ko na sana'y pagpalain na nga
At ang tiwala't kamay mo ay mapasa'kin na
'Di ka ('di ka) mapapahiya
'Di ka mapapahiya (ahh)
Malaman mo sanang ako ay naghihintay lamang sa 'yo
(Ako ay maghihintay, sa'yo ay naghihintay)
Dahil ang tanging laman nitong puso ko ay pangalan mo
(Ay ang pangalan mo, ay ang pangalan mo)
'Di mabanggit ang nararamdaman
Aaminin o 'tatago na lang
Ako ay maghihintay (ako ay)
Sa 'yo ay naghihintay (sa 'yo ay)
Sana ay mahalin mo rin
At makuha ang pag-ibig mo
Malaman mo sanang ako ay naghihintay lamang sa 'yo
Dahil ang tanging laman nitong puso ko ay pangalan mo
'Di mabanggit ang nararamdaman (oh)
Aaminin o tatago na lang (ohh)
Ako ay maghihintay
Sa 'yo ay naghihintay (yeah)
Sana ay mahalin mo rin
At makuha ang pag-ibig mo




ALLMO$T - Naghihintay - Single
Альбом Naghihintay - Single
дата релиза
05-11-2021




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.