Abaddon feat. Vlync - Huwag Mong Mahalin текст песни

Текст песни Huwag Mong Mahalin - Abaddon feat. Vlync



Lasing ka nanaman
Anong nangyare kagabe?
Umuwi ka ng may baon pang babaeng malake
Panay ang kamot niya sa singet mong maasim, makate
Astigin kaba pre? Kapag iba iba ang katabe?
Iba′t iba ang bangka ang iyong sinasakyan
Mukhang hindi kana naman tinatablan
Porke't di ka sinasaktan
Lahat nalang kinakamkam
Kahit kaibigan ang may ari
Ay di′mo dinadamdam
Pilit mo pang sinasagwan
Mga istilo mo'y bulok
Kahit mapahiya ka ay pagpipilitan mo na malunok
Kahit na malimutan ko'y nakakalimutan
Kong kalimutang ikaw ay matagal ko ng subok
Sirang sira kana pag babae ang usapan
Bakit mo hinayaan na madungisan ang pangalan mo
Palagi kang tinatawanan dahil nga ang yabang mo
Pero ayos lang yan
Dahil lahat to′y kasalanan mo
*Chorus:
Anong nangyari tropa
Puro ka droga
Palaging kota
Nak ng pota
Huwag mo ng antayin na ikaw ay singilin
Ayos lang tumikim pero
Huwag Mong Mahalin
Baka mapraning ka
Nako ikaw rin
Ayos lang tumikim pero
Huwag Mong Mahalin
Hindi ka tinuturing yaman ng magulang mo
Ang alam mo lang ay manggulo
At pagkukulang lang ang kaya mong buo na ibigay diyan ka mahusay bro
Kulang na lang ay umusbong ang mga sungay mo
Di ka tumatanggap ng payong kapatid
Kaya batid ko na kung ganong pang-unawa′y kasaid
At malamang sanay ka na sa mga tratong malamig
Isa kang tao na palalo na malabong padaig
Nasobrahan ka na sa lalim
Ano bang inuulam mo sa kanin?
Puro ba masamang hangin?
Kahit ikaw ay alanganin na alam mo bang
Kasama ka pa rin sa aking mga panalangin?
Huwag mo sanang masamain
Dapat kasi minsa'y subukan mo na harapin ang salamin
Dahil lalo ka lang mapapahamak at sasamain
Kung di mo gustong alamin kung sino ba ang salarin
*Chorus:
Anong nangyari tropa
Puro ka droga
Palaging kota
Nak ng pota
Huwag mo ng antayin na ikaw ay singilin
Ayos lang tumikim pero
Huwag Mong Mahalin
Baka mapraning ka
Nako ikaw rin
Ayos lang tumikim pero
Huwag Mong Mahalin
Ayos ba na maging siga at maangas?
Tapos kunwari matalino ka′t matalas?
Kahit kanino ka pabibo parang may anting-anting mga ngiti mo
Ang galling mong mangbayabas
Kung ano man ang tinitira mo ngayon
Unti-unti ka niyang ihahatid sa libingang kahon
Kahit ano man ang ipilit mong talon
Anim na talampakan pababa ka niyang ibabaon
Gusto lang kitang tulungan
Baka mga demonyo'y may inuman at ikaw ang mapulutan
Baka maging laman ka ng bulung-bulungan
Dahil masaya ka na sa sementeryo o kulungan
At bago ka pa nga tuluyan na kainin
Subukan mong siyam na oras na walang gising
Dahil napakasakit kung iisipin
Ang isang kaibigan ko sa kangkungan ko pupulutin
*Chorus:
Anong nangyari tropa
Puro ka droga
Palaging kota
Nak ng pota
Huwag mo ng antayin na ikaw ay singilin
Ayos lang tumikim pero
Huwag Mong Mahalin
Baka mapraning ka
Nako ikaw rin
Ayos lang tumikim pero
Huwag Mong Mahalin
Huwag na Huwag na Huwag na Huwag na Huwag na Huwag
Huwag mong mahalin...



Авторы: Venzon Malubay


Abaddon feat. Vlync - RAPheartist
Альбом RAPheartist
дата релиза
25-08-2017



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.