Aikee - Badboy текст песни

Текст песни Badboy - Aikee



This is a story about the boy
Bata palang palaboy na at tinataboy
Maaga palang pakalat kalat sa daan
Ang mga magulang di alam kung nasaan
Maaga silang naghiwalay
Kayat para syang pusang kalyeng naglalakbay
Sa ibat ibang lugar at sa ibat ibang dako
Hanggang mapasali sya sa sindikato
Hanggang sa paglaki itong nagturo sa kanya
Maging matigas dugong pusakal ang dumadaloy
Bigyan'g daan eto na ang Badboy
Lumaki sya sa basag ulo
Pinapasok nya lahat ng gulo
Walang pakialam kahit hindi nakapag aral
Dapat sa kalye, ang sikmura mo bakal
Kumikita sya sa panghahablot
Pati sa pagtutulak ng droga nasangkot
Wala na syang pinag iba sa kontrabida
Sa mga sine nakikita sa pelikula
Nagsimula sya hawak lang ay patalim
Hanggang magka baril pailalim kung tumingin
Kaya akala mo kung sino nang umasta
Bigyan'g daan
(Wazup Gangsta?)
Ngayon syay gulong gulo
Di na nya alam kung kanino tatakbo
Marami syang kaaway kahit saan sya magpunta
Araw araw nakakatanggap ng banta
Pero,
Nananatiling matigas
Gusto daw nya pakita ang kanyang lakas
Sabay na kung sabayan hanggang magka ubusan
Akala nya lahat ng to walang katapusan
Ngayon syay nakakulong
Sa sulok ng selda sya ay bumubulong
Ngayoy nagsisisi at iniisip saan nagkamali
Gusto nya sanang magbago pero nahuli
Wala ka nang magagawa
At wala ka nang dapat sisihin pa
Di mo na masisisi ang yong magulang
Ikaw mismong nagkulang
Lumaki kang Badboy



Авторы: Nikusheen On


Aikee - Ang Bawat Bata
Альбом Ang Bawat Bata
дата релиза
02-02-2005




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.