Asiong De Luna feat. JP Bacallan - Ginto текст песни

Текст песни Ginto - Asiong De Luna feat. JP Bacallan



Di maikukubli ang pangamba
Dagok saking isipan kung may mangyayare ba
Madalas ay naiisip kung saan mapupunta
Bawat tinta at pagod minsan ay iniinda
Pero talagang ganito
Laliman ang hukay upang makuha ko
Dugo at pawis ay handang ialay ko
Makuha lang mga nagniningan na ginto
Para sakin to
Isisigaw na sakin to
Kahit gano kabigat
Ang aking pasan pasan, tuloy lang saking paghakbang
Kahit gano kahirap
Aking dadaanan, Kahit pa ikamatay ko yan
Kahit gano kabigat
Ang aking pasan pasan, tuloy lang saking paghakbang
Kahit gano kahirap
Dami pagsubok lalo marami pati mga harang
Pawala na yung usok pero sa loob di to papayag
Kaalaman at mga mali dag dag lang dag dag
Ito yung aral na magsisilbi saking pampatatag
Ito'y pagpa patung patungin gang maging isang palapag
At aakyatin patungo sa taas mula sa lapag
Di ako papayag na mapunta lang ito sa wala
Aking pipilitin hindi mabibitin gang sa ako ay merong mapala
Lahat ng pawis, luha, sugat at dugo may dahilan
Basta tanggap lang ng tanggap, ikaw din ay pagbibigyan
Hukay lang ng hukay tuloy kahit Ginto'y di tanaw
Mga pasanin lang ibang magdadala kung di ikaw
Kahit gano kabigat
Ang aking pasan pasan, tuloy lang saking paghakbang
Kahit gano kahirap
Aking dadaanan, Kahit pa ikamatay ko yan
Kahit gano kabigat
Ang aking pasan pasan, tuloy lang saking paghakbang
Kahit gano kahirap
Tapat pero ako ay tinalikaran
Mga pasakit na sinapit di malilimutan
Tatandaan sa loob di masisingil ang utang
Sa pag tagal ng panahon yung totoo'y lulutang
Palihim na mga labang ako lang ang may alam
Tanging ako lang din sa sarili ko'y aking hadlang
Raming mga mata na palihim pang pag titig niyan
Higitan ang dati, dapat araw araw galingan
Iuukit sa bato kahit kelan di hihinto
Kahit masugat, mabigo basta
Makuha ang ginto atin to
Kahit gano kabigat
Ang aking pasan pasan, tuloy lang saking paghakbang
Kahit gano kahirap
Aking dadaanan, Kahit pa ikamatay ko yan
Kahit gano kabigat
Ang aking pasan pasan, tuloy lang saking paghakbang
Kahit gano kahirap



Авторы: Benedict Alagde


Asiong De Luna feat. JP Bacallan - Ginto (feat. JP Bacallan) - Single
Альбом Ginto (feat. JP Bacallan) - Single
дата релиза
09-04-2021

1 Ginto



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.