Текст песни Bituwin - Gloc 9 feat. Allan Mitchel
Tulog na anak at bukas ay may umagang darating
Minamasdan kita habang tulog na parang isang bituin
Kahit pa iniwan tayo ng iyong ina
Dahil ako′y mahirap, kaya't sumama sa iba
Ngayon ika′y musmos pa lamang
Tatlong taong gulang
Lahat ay gagawin, haharapin, mapag-aral ka lang
Upang maabot mo buhay na pinapangarap ko
At iyong malisan hirap na kinamulatan ko
Lumipas ang ilang taon, ako ay umalis
At sa malayong pook, ako ay nag-tiis
Larawan mo ang laging hawak-hawak ko
Ano mang dusa, ito ay kakayanin ko
Ako ay nagbalik sa araw ng 'yong kaarawan
Malayo pa lamang, nakita ko na
Ako'y kinabahan, bakit maraming ilaw?
Sa loob ng aming tahanan?
Ako′y lumuluha, mukha mo ay pinagmamasdan
Paalam na aking anak, at sa gabing darating
Ako ay titingala at hahanapin ka sa mga bituin
Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.