Himig Heswita - Pagsibol текст песни

Текст песни Pagsibol - Himig Heswita



Bawat huni ng ibon sa pag-ihip ng amihan
Wangis Mo'y aking natatanaw
Pagdampi ng umaga sa nanlamig kong kalamnan
Init Mo'y pangarap kong hagkan
Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kailan pa man
Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasaibayong kaginhawahan
Nangungulilang malay binulungan ng tinig Mong
Nagdulot ng katiwasayan
Paghahanap katwiran, nilusaw Mo sa simbuyong
Karilagan ng pagmamahal
Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kailan pa man
Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasaibayong kaginhawahan
Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kailan pa man
Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasaibayong kaginhawahan
Dalangin pa sana'y mapagtanto kong tunay
Kaganapan ng buhay ko'y Ikaw lamang




Himig Heswita - The Best of Himig Heswita
Альбом The Best of Himig Heswita
дата релиза
18-02-2015



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.