Himig Heswita - Pintig ng Puso ko текст песни

Текст песни Pintig ng Puso ko - Himig Heswita




Musmos ka pa lamang, minahal na kita.
Mula sa kawalan, tinuring kang anak.
Sa bawat tawag Ko, ika'y lumalayo.
Hindi mo batid, Ako'y nabibigo.
Aking isasaysay, kung mararapatin,
Sa una mong hakbang, nang kita'y akayin
Binalabalan ka, matang masintahan, kinakandong kita, animo'y alipin.
Pinagtabuyan mo Ako, pinagtulakan nang husto.
Maglaho ka sa harap Ko! Ngunit yaring pintig ng puso ko!
Matupok mang lahat sa buong daigdig,
Hindi magmamaliw ang Aking pag-ibig.
Panginoon Ako, at hindi alabok. Paano Ko kaya, ikaw malilimot?
Paano Ko kaya, ikaw malilimot?



Авторы: Eduardo Hontiveros Sj, Luis Antonio Cardinal Tagle


Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.