Nero - Guwantes текст песни

Текст песни Guwantes - Nero



Kabulaanang nakapaloob sa palabas
Kalauna'y pustiso na ang pangil ng batas
Panauhing pandangal ang nagtanghal sa bulwagan
Ikaw yung walang saplot sa hubad na katotohanan
Mapapansin mo lamang pagikaw ang ginawan
Ng maling isisisi palagi sa dilawan
Pagkataong madumi tiyak na mangangati
Walang damit sa dami ng dahilang tinatahi
Nagpasasa sa perang dulot ay digmaan
Patnugot ng akda ay inuod sa aklatan
Nagpasasa sa puno't dulo ng banta ng
Pagpugot ng agaran sa ulo ng langgam
Mga papampam talangkang pangangatawan
Tanga lang ang maniniwalang ika'y di nanlalamang
Napagutusang magkusa't ayaw nyo rin na lumabas.
Ang totoo gwantes ang gamit kung bakit walang bakas
Kala mo swerte nung ipinamalas nya
Hagdang hagdang kaso na sayo sumasampa
Nakapagtataka bat nga ba nandyan ka
Maling gwantes ang nasa kapalaran nya
Pinalamon tayo ng mga puro lang patikim
Tutugma ang tugtog pagitutumba ang nakinig
Maraming kasiraan madali lang kalasin
Kamay na bakal laban sa gwantes na kalawangin
Uh! Guwantes gagagaga-guwantes
Guwantes gagagaga-guwantes
Guwantes gagagaga-guwantes
Kung ayaw mo na maatrasan ka umabante
Uh! Guwantes gagagaga-guwantes
Guwantes talagang kapag
Maraming kasiraan madali lang kalasin
Kamay na bakal laban sa gwantes na kalawangin
Namulubi sa-king Inang Bayang palaboy
Pagginamit ng palad nagiging bakal ang kahoy
Sa pabara-bara parang bumabagal ang daloy
Muslim na lang ang di nagha-Halal ng baboy
Hand gun! Nakukuha ng isang kalabit
Kwintas na sinuot ng mahilig sa palawit
Ilegal na pagtikim hanggang magpakalingid
Sa pwetan ng sigarilyo na lubhang makasipsip...
Nerbyos sapagkat ang tapang mo panggap
Tila ba kapeng barako na may Mocha... Frappe!
Subalit apoy ng damdami'y di magpapatuso
Sa sugal lang tinatalo ng dyamante ang puso
Mali ka ng sinabi, palpak na termino
Emosyonal pagwalang salapi sa sobrang sentimo
Minsan kahit na papano, masakit ang pagbabago
Gwantes kong hawak ay para lamang di ako mapaso
Kala mo swerte nung ipinamalas nya
Hagdang hagdang kaso na sayo sumasampa
Nakapagtataka bat nga ba nandyan ka
Maling gwantes ang nasa kapalaran nya
Pinalamon tayo ng mga puro lang patikim
Tutugma ang tugtog pagitutumba ang nakinig
Maraming kasiraan madali lang kalasin
Kamay na bakal laban sa gwantes na kalawangin
Uh! Guwantes gagagaga-guwantes
Guwantes gagagaga-guwantes
Guwantes gagagaga-guwantes
Kung ayaw mo na maatrasan ka umabante
Uh! Guwantes gagagaga-guwantes
Guwantes talagang kapag
Maraming kasiraan madali lang kalasin
Kamay na bakal laban sa gwantes na kalawangin
Mohenjo Daro... Harappa'ng payapang binangka
Bansa at saluwal na sabay mong binaba
Sikretaryang madada, mandaraya ng sukat
Geometric, ehh anggulo ng pagkakasulat
Sa lipunan natin,
Nilipol ang ating Pinaghirapang itanim, unggoy sa libong saging
'Yan ay masama sa masa, Pang-Yaketate?
'Yokong makita kitang pumurol at mamihasa...
Punong-puno na ang mga mapagtimpi
Sinong di mapupundi sayong patay sinding...
Ilaw, malinaw anong magagawa ng kupad?
Sa pagusad ng bansang tadtad ng tagatulak
Sundalong kaning mahilig magalsa
Makabagong bayaran, modernong alkansya
Maaasahang komisyon o baka konsumisyon
Kaya ka lang pinaupo ay masarap sa posisyon...
Walang agam-agam...
Kayo rin ang gumagamit ng bato na parang guwantes ni Adam
Guwantes na aking pandoktor sa halalan
Hubarin ang guwantes tayo'y magkaalaman
Na doon sa saligan nabuo ang alitan
May poot sa pagitan ng bomba't sampaguita
Peke na balita may daluyong na dumamba
O mangaawit na may bayad kapag kumanta
Ako lang ba?, nakapansing nagmumulto?
Nanghihila pababa, 32.2
Sasori, Kankuro tayo ay puppet nauto!
Pagbuwaya kumatok hindi yun tao po!
Nako po! Pride ng bayan dehins na to biro
'Tanong mo si Quill, pumapatay ang ego
Ebidensyang nanunuot sa kamay
Gamit ko ay gwantes, nanunuot sa kamay
Wala nang permanente sabi ng mga tanga
Pagkat perpekto na bulkan, nailipat mo pa nga
Kung ito ay alaala mas gusto kong makalimot
Paalis na sa mundo na tayo ang pinapaikot



Авторы: Neil Carlo Nera, Rap Sanchez


Nero - Guwantes - Single
Альбом Guwantes - Single
дата релиза
08-03-2019




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.