Nero feat. Lanzeta - Pastulan текст песни

Текст песни Pastulan - Nero feat. Lanzeta



Para to sa salinlahi na nagkakaubusan
Kaninong braso ang kelangan para lang mabunuan
Anong sumusunod sa kalawakan? marahil... baka yun ang "kawalan"
Kayong tumutugong pasalamatan, sa dami ng mayrong karapatan
Gayon kung totoong matatawaran, palagiang tanong "kabayaran"
Baka lang nataong bumubulong na malasaha'y
Tinapay na may tinatagong palaman (Malamang...)
Umupo ka ng diretso saking kwento makinig
Ang pagmamahal nya eto, nirereto ang kilig
Sa dami ng panulak ng bolero ay lingid
Mabulunan sa imbentong puto seco sa bibig
Dadanak ang luhang "kailangan ng pondo"
Handa ba kayo magambag at abono?
Pagkakatakutan hangganan na to ay
Hadlang yan sa utak na dapat ay todo
Habang gumaganda ang buhay umaasa ka na tunay ang lahat ng retokado
Sa pamagat ng langit ay wala nang titulado
Kung naniniwala lamang para makasigurado
Doo'y kautusan na likas ang pagkatuso
Buong katuruang taliwas sa pagkatuto
Lopon at koponan ng mga templong nagkakurso
Nauto nang magustuhan ang disenyong nauuso
Nakakapanduga kapag nakakapanghula
Birong nakatanim mula sakanilang nakakatawang lupa
Kasama magpakabaluga yung mga nagbabalat na tupa
Kalamidad ay nasa kabataan kaya nga ang tawag nila ay sakuna-kuna
Kabilaan sa may kaliwa at kanan
Nasa itaas at nasa (nasa) ibaba ng
Langit may impyerno may demonyo may anghel
At tayo ay nasa gitna ng nakatutok na baril
Saming pastulan (braaa!) wag kalimutang (yaya!
) Utang ito at upang iyo na mapagipunan (ya ya!)
Saming pastulan (braaa!) pahintulutan (yaya!
) Ang pagkalito kung babalik o kusang tatalikuran
Sapagkat napakarami ng
(Rami ng) mapagsamantala at mapanlinlang
Ang ilan sa kaaningan at kapraningan
Nahibang sa kabaliwan handang malibang
Malian tama palitan at ang kanilang
Dahilan ay kasabihang nakagawian
Gamit nalalaman na pamahiin na alam at
Makikita sa aklat kaibigan na tapat
Kanyang pakilala bagamat hindi paba sapat
Ang akala't hinala para pag isipan ang lahat
Masama at bawal ang bagay na napakasarap
Sa bawat kagat ay damang dama sa may balat
Wala pang ganap, sapagkat lahat nagpapanggap
Nangahas sa panlabas sawang sawa na magbalat
Malabo malilinawan patago ay lilitaw
Mata sa mata hanggang ako ay maging ikaw
Madala sa pananaw ay kusa ka na bibitaw
Pagkat walang mawawala, mas lalo lang maliligaw
Ang mga to sa anak at apo na
Ang namana lamang ay dala-dala na trauma
Pasa-pasa mga haka-haka at teorya
Mga kataka-taka mga gawa gawa na storya
Ang mga narinig sa may sabi sabi ay
Sadya para magdalawa utak ng mga tao
At para makinig pa sa kabi-kabila
Nang naglalabanang mga luma at tsaka bago
Kaya sa paniniwala na iba iba ay
Nagaaway lamang ang bukas tsaka sarado
Pagkat wala ring tiwala sa isat isa,
Kaya nagaalalay sa bulag ay mga aso
Kabilaan sa may kaliwa at kanan
Nasa itaas at nasa (nasa) ibaba ng
Langit may impyerno may demonyo may anghel
At tayo ay nasa gitna ng nakatutok na baril
Saming pastulan (braaa!) wag kalimutang (yaya!
) Utang ito at upang iyo na mapagipunan (ya ya!)
Saming pastulan (braaa!) pahintulutan (yaya!
) Ang pagkalito kung babalik o kusang tatalikuran
Bawat bala ay patungo sa
Mga bata na matandang nakakulong pa
Kawalan na pakawala san na pupunta
Nawala mga nawala san napupunta
Syang katanungan ay syang kasagutan
Para pagbuksan ang nasaraduhan
Hanggang sa kung saan kahahantungan
Hangganang nagmula dyan ang katapusan
Mala lagusan daang papasukan
Lahat ay bulgar walang tataguan
Ang sangkatauhan at sangkahayupan
At yang mga tupa na nasa pastulan
Kristo, Allah, Vishnu, Brahma
Anito, Baal, andito pa nga ba?
Tingin mo Gaara sa pintong gawa sa
Gitnong payapa'y ehipto Sahara?
At sino ka ba sa pagpapakatao
Paghinulma ka ng mga nagawa mo
Nasa nitso lang ang ikatutuwa ng tao
Pagkat nobyong kasiyahan ay katotohanang balo



Авторы: Julius James De Belen, Lanz Jasper Picache, Mart Sam Emmanuel Olavides, Neil Carlo Nera


Nero feat. Lanzeta - Pastulan (feat. Lanzeta) - Single
Альбом Pastulan (feat. Lanzeta) - Single
дата релиза
04-09-2020



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.