Ryke feat. Pola Mocon - Hangal текст песни

Текст песни Hangal - Ryke feat. Pola Mocon



Wag ng magtanong
Wag ng magtaka
Di ko matiyak kung paano nga ba
Ang alam ko lang ay nalimot na kita
Bigla na lang nawala ang lugar ko dyan sa puso mo diba
Bigla na lang nawala ang lugar ko dyan sa puso mo diba
Ni minsan hindi sumagi
Sa isip ko na manggagaling pala saking labi
Ang salitang iniiwasan ko satin mangyari
Sana'y itong pag-ulan may dulot din na bahaghari
Kung maaari ay sana hindi naging ganito
Pagkukunwaring tagos sa balat hanggang sa buto
Ilan sa mga inilihim mo sakin nabunyag
Alam ko na yung totoo sadyang akoy naging duwag
Na harapin ang katotohanan
Na mayroon ngang hangganan
Pagmamahalan inasahang panghahawakan
Hanggang sa dulo, ngunit pano susulong
Kung pinaglalaban kong mag-isa ang pag-ibig
Ng walang katulong
Buong akala ko itinadhana talaga
Tayong dalawa ngunit hindi ka nagpahalaga
Hindi biro ang taon at buwan nating naaksaya
Alam mo kasalanan mo at sana ay masaya ka
Nung mga panahon na yun labis kitang mahal
Kung bakit ba naman ako'y napili pang saktan
Ang nakaa-akit na tamis ng nagdaan
Ay tiyak na'king babalikan kung ako'y isang hangal
Bigla na lang nawala ang lugar ko dyan sa puso mo diba
Bigla na lang nawala ang lugar ko dyan sa puso mo diba
Siguro nga di tayo para sa isat isa
Kasi kung tayo nga isip mo ay di magdadalawa
Ang saktan ako ay di mo rin dapat na nagawa
Ngayon pagibig natin ay hindi ba dapat nawala
Kasalanan mo lahat ng to wag kang magturo
Kung bakit tayo nagkaganto wag kang yumuko
Na parang wala kang naririnig mula sa akin
Kasabay ng paglamig ng hangin ang relasyon natin
Dalawa, ano ba, bat dito lang napunta
Lahat na, ginawa, at basa na ang punda
Ng unan, na ating tinutulugan, nagmistulang ulan
Sabihin mo sakin kung san ba ko nagkulang
Ang pag-ibig ko sayo, ay totoo pinatunayan ko
Salamat sayo, dahil mundo ko ay kinulayan mo
Di ko lang mapagtanto lahat to ay sinayang mo
Ngayon hinihiling ko lang sayo ay kalayaan ko
Nung mga panahon na yun labis kitang mahal
Kung bakit ba naman ako'y napili pang saktan
Ang nakaa-akit na tamis ng nagdaan
Ay tiyak na'king babalikan kung ako'y isang hangal
Bigla na lang nawala ang lugar ko dyan sa puso mo diba
Bigla na lang nawala ang lugar ko dyan sa puso mo diba



Авторы: Jose Jr. Morales


Ryke feat. Pola Mocon - Hangal
Альбом Hangal
дата релиза
01-05-2019

1 Hangal



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.