Shamrock - Pagkakataon текст песни

Текст песни Pagkakataon - Shamrock



Nabuhay muli ang damdamin
Nang magtagpo ang landas natin
Kay tagal nating ′di nagkita
Binibining kay ganda, kumusta ka?
Wala ka pa ring pinagbago
Kinikilig pa rin 'pag tinititigan mo
Sa kilos mong mapang-akit
Mga balahibo ko′y tumitindig
Kung dati'y 'di ko nagawa ang magtapat
Ngayon handa na kong gawin ang nararapat
′Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
′Di na kita iiwasan pa hindi tulad noon
'Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
Upang sabihin na mahal na mahal kita
Nag-lakas loob ako na lumapit
(Ang pisngi mo′y namumula)
Upang marinig ang malambing mong tinig
Nang makita kang lumalapit
Tibok ng puso koy bumibilis
Noon ay hindi para sa isa't isa
Ngayon tadhana na ang s′yang nagdidikta
'Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
′Di na kita iiwasan pa hindi tulad noon
'Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
Upang sabihin na mahal na mahal kita
Ngayon nandito ka muli
Pangako ko ikaw lang ang iibigin
Kung pwede lang naman, kung pwede lang naman
Kung pwede lang naman
Kung pwede lang naman hanggang sa huli
'Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
′Di na kita iiwasan pa hindi tulad noon
′Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
Upang sabihin na mahal na mahal kita
Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita



Авторы: Sam Santos


Shamrock - Shamrock
Альбом Shamrock
дата релиза
16-08-2010




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.