Shortone feat. Kiyo - Iskripted текст песни

Текст песни Iskripted - Shortone feat. Kiyo



Nabasa mo na ba ang iyong mga linya
Pagkat ako'y nagkakalitu-lito na
Nagtataka, malinaw pa ba ang mata?
Imprenta ay madiin kaso ang iba ay parang may bura
Nabasa mo na ba ang iyong mga linya
Pareho lang naman damdamin mo lang nag-iba
Sa unag parte ang pagsasama nati'y masigla
Parang artista ang lahat ay iskripted lang pala
Hawak-kamay
Habang nakatingin kami sa camera
Ramdam ko ang init at pawis
Parang totoong kami na
Mabigat ang kamay
Na para bang may hawak na kamehameha
Mas mabilis pang dug-dog ng puso
Kumpara sa takbo ngg tamiya
Ngunit nagulat
Nang matapos ang eksena
Bigla ka na lang lumayo
Na para bang ako'y may eczema
'Di naman ako taluhiyang
Pero sa'kin ikaw ay irita
Pag-ibig ko'y ihahawa
Kaso ika'y dumidistansiya
Nakasaad, nako saan?
'Di ko nabasa asan ba 'yan?
Wala 'kong balak magtagal
Kontrata ay panadalian
Tamang landian
Walang balak
Na panindigan
Kung anong nasimulan
Parang pagkain
May katapusan, expiry date
Nagmistulang retokada
Ang lahat pala ay fake
Ibig kong sabihin
Lahat na ay nakasulat
Kabisaduhin nang nakapikit
At wag nang mamulat
Nabasa mo na ba ang iyong mga linya
Pagkat ako'y nagkakalitu-lito na
Nagtataka, malinaw pa ba ang mata?
Imprenta ay madiin kaso ang iba ay parang may bura
Nabasa mo na ba ang iyong mga linya
Pareho lang naman damdamin mo lang nag-iba
Sa unag parte ang pagsasama nati'y masigla
Parang artista ang lahat ay iskripted lang pala
Kabisado mo na ba, dapat ay walang mali diba
Handa ka na dapat, ayusin ang iyong mukha
Nakapwesto ka na dapat pagbilang ko ng lima
Hindi ka artista, pero bakit naniwala
Hasta lavista, sa pekeng pagibig ako ay naloko akoy nagambala
Sa una pa la-mang dapat ay sinabi mo na, sinabi mo na
Nahalata ko na pero nagpahuli sa tanikala
Sabi nila, tama na yan, hindi yan para sa iyo
Tapos eto, ikay nawala! tignan mo anong nangyari sayo!
Trahedya ang katapusan, netflix? kahit hindi naman chill
Kung gusto mong maglaro ng habol-habulan o tago-taguan
Bakit ka umuwi nung ako na ang taya
Gagu-gaguhan nalang ba, pagod- paguran nalang ba
Hanggang diyan ka na lang ba? ano na ano na ano na
Parang pelikula, di na kaylangan mag cinema
Istorya nating dalawa, hindi totoo di ko nahahalata
Nabasa mo na ba ang iyong mga linya
Pagkat ako'y nagkakalitu-lito na
Nagtataka, malinaw pa ba ang mata?
Imprenta ay madiin kaso ang iba ay parang may bura
Nabasa mo na ba ang iyong mga linya
Pareho lang naman damdamin mo lang nag-iba
Sa unag parte ang pagsasama nati'y masigla
Parang artista ang lahat ay iskripted lang pala
Nabasa mo na ba ang iyong mga linya
Pagkat ako'y nagkakalitu-lito na
Nagtataka, malinaw pa ba ang mata?
Imprenta ay madiin kaso ang iba ay parang may bura
Nabasa mo na ba ang iyong mga linya
Pareho lang naman damdamin mo lang nag-iba
Sa unag parte ang pagsasama nati'y masigla
Parang artista ang lahat ay iskripted lang pala



Авторы: Shortone


Shortone feat. Kiyo - Iskripted
Альбом Iskripted
дата релиза
31-10-2018



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.