Smugglaz feat. Curse One, Dello & Flict G - Nakakamiss текст песни

Текст песни Nakakamiss - Smugglaz , Curse One , Flict G , Dello



Na-na-na-na, na-na-na-na
Na-na-na-na, na-na-na
Na-na-na-na, na-na-na-na
Na-na-na-na, na-na-na-na-na
Madaming nangyari, taon ang binilang
Ka-jamming, kumpare, napapangiti lang
Ngayon naalala, maulit 'yun sana
Nakaka-miss lang kasi
Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko
'Pag naaalala mga bagay na 'to
Kay sarap balikan, tamis na nagdaan
Nakaka-miss lang kasi
Sa tagal ng panahon
Kamusta ka na ba? Kamusta na ba s'ya?
Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon?
Inuman, kulitan, harutan, asaran
Nakaka-miss lang kasi
Kamusta ka na ba, Smugg? (Okay lang naman, Curse)
(Kamusta ka na ba, Curse?) Okay lang naman, Smugg
Salamat at nakagawa na naman tayo ng isa na namang kanta
Na 'di lang makapagbagbag-damdamin
Kundi pagbabahagi din ng bawat pangyayari
Sa mga buhay nating nadagdag
Kahit na hindi na tayo tulad pa ng dati na laman ng kalye
Dahil mga oras natin maluwag
Oo nga, eh, sana kung pwede lang tayong lahat
Ay bumalik sa ating nakaraan
Makikita mo ang mayro'n na wala na sa ngayon
Mga bagay-bagay no'n na 'di na pwedeng balikan
Nakulayang ganda (ang sarap pagmasdan)
Nakulayang ganda (ng mga nagdaan)
Sa likod ng nilakaran ko (na dala ng kapalaran ko)
Bakas sa mga araw (sa 'king mga karanasan ay natutunan ko)
Ang tama at mali, teka, sandali
Kamusta na kaya 'yung iba?
'Yung iba, sikat na, 'yung iba, angat na
'Yung iba, may mga anak na
Sana naman, tayo'y 'di magkalimutan
Ano man ang mangyari, kapatid o pare
Ilang ulit man na madapa, tuloy lang
Sa mga pangarap natin
Kahit ano pa mangyari ay 'wag kayong bumitaw
Mga pangarap natin bukas
Sa tagal ng panahon
Kamusta ka na ba? Kamusta na ba s'ya?
Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon?
May kanya-kanyang buhay na, sana palagi kayong masaya
Nasaan man o ano man ang ginagawa n'yo
Sana'y laging maalala n'yo noon kung ano'ng tayo
Minsan naman, minsan naman
Inuman, kulitan, harutan, asaran
Nakaka-miss lang kasi
Kamusta ka naman, Dells, okay ka naman ba?
Okay naman, Flict, laging click mga rampa
Daming nagpa-pic, mga chick na maganda
Bigla ko lang na-miss, makulit na alaala
Samahan ng mga tropa sa may puno ng makopa
Uso no'n ang taguan, wala pang games, mga Dota
Tagayan, sabay ang hagikgik, mga tawa
Kaya para bang ngayon ay nasabik makasama
Kasi naalala ko ang katambayan sa looban
Kasabwat sa lahat ng paggawa ng kalokohan
Pero mayro'ng damayan sa problemang kaharap
Masarap, may kadamay, gumaan ang kalooban
Naranasan ko noon, teka, nasa'n na ba 'yon?
Panahon, tayo no'n, tila ba nasa balon
Na punong-puno ng alak, hawak natin ang timba
Nangingiti ako kasi na-miss ko 'yun bigla
Eh, ikaw naman, Flict? Uy, Dello
Para bang malalim iniisip mo?
Ha? Oo nga, 'di ko lang talaga mapigilan
Na isipin ang mga bagay na 'to (ang alin?)
'Yung sana maulit natin ang mga panahon na dati
Wala pang kamalay-malay sa mga
Bagay-bagay na nagdudulot
Ng kalungkutan sa isa't isa
Walang hanggang pag-ibig
Tanging laro ang hilig
Mga kabataan na naglalakbay
Sa hardin na puno ng himig
Nangangarap na lahat ng bituin
Ay mahawakan ng aking mga kamay
At ang mga kabiguan, agad kalimutan
Sa agos ng buhay ay ipatangay
Sa tagal ng panahon
Kamusta ka na ba? Kamusta na ba s'ya?
Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon?
May kanya-kanyang buhay na, sana palagi kayong masaya
Nasaan man o ano man ang ginagawa n'yo
Sana'y laging maalala n'yo noon kung ano'ng tayo
Minsan naman, minsan naman
Inuman, kulitan, harutan, asaran
Nakaka-miss lang kasi
Madaming nangyari, taon ang binilang
Ka-jamming, kumpare, napapangiti lang
Ngayon naalala, maulit 'yun sana
Nakaka-miss lang kasi
Kahit ano mang mangyari, 'wag kayong bumitaw
Hangga't hindi n'yo pa abot lahat ng tala sa taas
(Dahil, dahil) nakaka-miss lang kasi
Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko
'Pag naaalala mga bagay na 'to
Kay sarap balikan, tamis na nagdaan
Nakaka-miss lang kasi
Sige lang, tuloy-tuloy-tuloy lang
Sana'y palaging nasa mabuti kayo
Nakaka-miss lang kasi



Авторы: Gatmaitan Wendell, Lao Bryan


Smugglaz feat. Curse One, Dello & Flict G - Walking Distance
Альбом Walking Distance
дата релиза
31-07-2015



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.