SUD - Payapa текст песни

Текст песни Payapa - SUD



Mula noong namulat ang mata
Daglian kong nalaman na ikaw pala
Ang hinahanap kong tahimik
Bawat pag hinga'y isang tula't usapang malalim
Kahit pa walang magsalita
Nakapikit habang hawak ang 'yong kamay
Rinig bawat pintig nati'y magkasabay
Marahan at tahimik ang habambuhay
Ngayon sayo'y mahirap ng mawalay
Kung may ibig man sabihin ang salitang sapat
Ito'y nalaman ko sa piling mo, ngiti mo at lahat
Nais kong malaman mong ako'y naniniwala na Sa Payapa
Mula nung araw na nasilayan ka
Hindi na rin nagbago ang tingin
Walang minutong lumilipas na hindi kita pansin
Nais ko lang magpaka-lunod sa 'yong mga mata
Sambahin ka habambuhay hanggang ako ay mawala
At pipikit habang salabay ko lahat ng iyong bigat
Andito lagi ang balikat, ilagay mo lang lahat
Mabigat man ang pasakit,
May habambuhay pa tayo para di maghiwalay
Kung may ibig man sabihin ang salitang sapat
Ito'y nalaman ko sa piling mo, ngiti mo at lahat
Nais kong malaman mo ako'y naniniwala na Sa Payapa
Mula nang masilayan ka.



Авторы: Mark Alexander Cuenco


SUD - Dumaloy
Альбом Dumaloy
дата релиза
27-08-2021




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.