SUD - Kahit Pa Ikaw текст песни

Текст песни Kahit Pa Ikaw - SUD



Hindi lingid sa'yo
Na ikaw ang buklod
Sa lahat ng pag-suyod
Ikaw ang buod
Alam mo rin namang
Wala ng iba na kayang tuklasin
Ang gantong tipo ng saya
Ngunit bakit
Lumilihis ang ihip ng hangin?
Palayo ka na sa akin
Di na masabi kung kailangang bumitaw
Para sa'tin
Kahit pa ikaw
Ang bawat pintig ng pusong ito ay bawat pantig ng pangalan mo
Ang bawat tibok ay may hangganan
Kahit pa ikaw ang buhay na kailangan
Kahit pa ikaw
Ang hiling kong ligaya pa noon
Minsan dalangin ay tinutugon
Ngunit ngayon, 'di na gaya noon
Ramdam mo rin ang nag-iba't bukod tangi na bakit
Lumihis ang ihip ng hangin?
Palayo ka na sa akin
Di na masabi kung kailangang bumitaw
Para sa'tin
Kahit pa ikaw
Ang bawat pintig ng pusong ito ay bawat pantig ng pangalan mo
Ang bawat tibok ay may hangganan
Kahit pa ikaw ang buhay na kailangan
Kahit pa ikaw
Kung pipilitin pa
Ano kayang sagot sa "kung bakit pa?"
Kung pipigilan ka
Anong magagawa nyan
Kung ang dulo ng lahat ang simula
Ng pag-bitaw mo sa akin?
Kahit pa ikaw ang bawat pintig ng puso kong sumisigaw
Isasalba kita
Kahit pa ikaw



Авторы: Mark Alexander Cuenco


SUD - Dumaloy
Альбом Dumaloy
дата релиза
27-08-2021




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.