Parokya Ni Edgar - Borbolen Lyrics

Lyrics Borbolen - Parokya Ni Edgar



Kapag nagsasama, nagkakandaloko na
Kahit 'di natin sinasadya
Parang default na setting sa paborito mong camera
Laging do'n tayo napupunta
Ewan ko nga kung bakit tayo laging nagkakaganito
Siguro nga, sadyang borbolen tayo
Kahit anong pilit na aking ayusin
Nagugulo pa rin tuwing kayo ay dumarating
Panay kalokohan kahit sa seryosong usapan
Nakakainis, ngunit 'pag wala ay nakaka-miss
Ewan ko nga kung ano ang mayro'n sa barkadang ito
Siguro nga, sadyang borbolen tayo
Tulad no'ng lamay ng inyong kapitbahay
Naki-charge ka ng phone, ang ilaw sa altar ay biglang namatay
Okay lang sana kung walang nagmimisa
Muntik na akong mamatay kakapigil ng tawa
Paano kaya 'ko nasama sa mga kolokoy na 'to?
Siguro nga, sadyang borbolen tayo
Basta't ito ang palagi ninyong tatandaan
Kahit ano ang mangyari sa atin, walang iwanan
At walang tatalo kailan pa man sa ating samahan
At aking paninindigang borbolen tayo
(Borbolen tayo)
Borbolen ka ba? (Ngayon at kailanman)
(Borbolen tayo)
(Borbolen tayo)



Writer(s): Chito Miranda


Parokya Ni Edgar - Borbolen
Album Borbolen
date of release
10-12-2021




Attention! Feel free to leave feedback.