Parokya Ni Edgar - Wag Ka Na Lyrics

Lyrics Wag Ka Na - Parokya Ni Edgar



Nag-message ka pala kaninang madaling-araw
At tinatanong mo 'ko kung sa'n ko nabili 'yung hikaw
Na regalo ko sa 'yo noong tayo pang dalawa
Natawa na lang ako dahil nangangamusta ka
Eh, tandang-tanda ko pa kung pa'no 'ko nagluksa
No'ng iniwan mo ako at sumama sa iba
Ikamusta mo na lang ako sa boyfriend mong maton
Na walang ginawa kundi mag-selfie at Tiktok maghapon
Kumpleto nga sa abs ngunit kulang sa ambisyon
Habang ako'y nandito lang sa bago kong gas station
At salamat at ako'y niloko mo
Kundi malamang, hanggang ngayon, bad trip ang buhay ko
At kailangan ko din 'yong pagdaanan
Upang aking malaman ang katotohanan
Na mas okay sa piling ng iba
Kung saan tahimik at mas masaya
At kahit na magpa-cute ka pa
Ayoko na sa 'yo, wala ka nang magagawa
'Wag ka nang mag-abang, wala nang dahilan
Para balikan ko ang nakaraan
'Wag ka nang umasa pa
Magmumukha ka lang tanga
Halatang para kang nanghihinayang
Dinadaan sa simpleng landian
Wala ka nang mapapala
You had your chance kaya pasensiya na
Marahil ay nakita mo na ako ay masaya
Kaya 'di ka mapakali at nagsisisi ka
Hindi mo matanggap na may mas hihigit sa 'yo
Hinay-hinay lang kasi sa kaka-stalk sa girlfriend ko
"You had me at my best but she loved me at my worst"
'Yon 'yong sinabi ni Popoy kay Basha do'n sa first
At 'wag kang mag-alala dahil napatawad na kita
Wala na 'kong pakialam sa 'yo, 'wag ka lang manggugulo
Mag-move on ka na sana at nawa'y mahanap mo
Kaligayahan na nahanap ko no'ng nawala ka sa mundo
Kaya't salamat at ako'y niloko mo
Kundi malamang, hanggang ngayon, bad trip ang buhay ko
At kailangan ko din 'yong pagdaanan
Upang aking malaman ang katotohanan
Na mas okay sa piling ng iba
Kung saan tahimik at mas masaya
At kahit na magpa-cute ka pa
Ayoko na sa 'yo, wala ka nang magagawa
'Wag ka nang mag-abang, wala nang dahilan
Para balikan ko ang nakaraan
'Wag ka nang umasa pa
Magmumukha ka lang tanga
Halatang para kang nanghihinayang
Dinadaan sa simpleng landian
Wala ka nang mapapala
You had your chance kaya pasensiya na



Writer(s): Chito Miranda


Parokya Ni Edgar - Borbolen
Album Borbolen
date of release
10-12-2021




Attention! Feel free to leave feedback.