Parokya Ni Edgar - Sarap Balik-balikan Lyrics

Lyrics Sarap Balik-balikan - Parokya Ni Edgar



Kay sarap balik-balikan, mga alaala ng nakaraan
Karanasan naming kinagagalakan, nawa'y maranasan mo rin
Tampisaw sa ulan, taguan sa dilim at saka habulan
Mga laro na nais kong ibahagi sa iyo
Iba't ibang mga kuwento na nakakatawa at nakakakilig
Na dulot ay sayang walang ibang makakadaig
Kay sarap balik-balikan, mga alaala ng nakaraan
Karanasan naming kinagagalakan, nawa'y maranasan mo rin
Tandang-tanda ko pa ang una kong sintang paslit
Kaklase ko no'ng kinder na ubod ng kulit
Marami pang mga kuwento ng pag-ibig at samahang totoo
Na tulad ko'y lahat ito'y pagdadaanan mo
At palaging tandaan na nandito lang ako
Handa kang gabayan sa biyahe mong ito
Sa lahat ng magandang napagdaanan sa mundo
Wala na talagang mas hihigit sa 'yo
Kay sarap balik-balikan, mga alaala ng nakaraan
Karanasan naming kinagagalakan, nawa'y maranasan mo rin
Kay sarap balik-balikan, mga alaala ng nakaraan
Karanasan naming kinagagalakan, nawa'y maranasan mo rin



Writer(s): Chito Miranda


Parokya Ni Edgar - Borbolen
Album Borbolen
date of release
10-12-2021




Attention! Feel free to leave feedback.