Parokya Ni Edgar - Wala Na Talaga Lyrics

Lyrics Wala Na Talaga - Parokya Ni Edgar



Minsan, parang wala nang dahilan
Tila nagpapanggap na lamang
Ayoko man aminin sa iyo
Pero nagsawa na yata ako
Wala naman tayong problema
Ngunit parang hindi na tayo masaya
At kung papipiliin lang ako
Parang gusto ko na lang huminto
Ayaw naman kitang lokohin
Magkunwaring sa puso ko'y ikaw pa rin
Mayro'n tayong nakaraang pinagsamahan
At ayaw na kitang masaktan
Kailangan mong malaman ang katotohanan
Kundi pareho lang tayong mahihirapan
Hindi na 'ko kinikilig kapag ika'y dumarating
Hindi na 'ko natataranta kahit galit ka sa akin
Hindi na 'ko nakikinig kapag ika'y nagsasalita
Wala na 'kong maramdaman, wala na talaga
Huwag mong isipin na mayro'ng iba
Hindi 'yun ang rason kung ba't ayaw ko na
Hindi ko din lubusang maintindihan
Basta't alam ko na may dahilan
'Pagkat nahihirapan na ang puso ko
Para kong nakakulong sa loob ng mundo mo
Huwag mo nang tanungin kung kailan nagsimula
'Di ko din alam kung kailan nawala
Huwag mo sanang iisiping may mali kang nagawa
Pareho lang tayong walang pagkakasala
Hindi ko rin naman 'to sinadya
Mas mabuti nang hindi na magtagal
Sapagkat 'di na kita mahal
Hindi na 'ko kinikilig kapag ika'y dumarating
Hindi na 'ko natataranta kahit galit ka sa akin
Hindi na 'ko nakikinig kapag ika'y nagsasalita
Wala na 'kong maramdaman, wala na talaga
Hindi na 'ko kinikilig kapag ika'y dumarating
Hindi na 'ko natataranta kahit galit ka sa akin
Hindi na 'ko nakikinig kapag ika'y nagsasalita
Wala na 'kong maramdaman, wala na talaga
Wala na talaga
Wala na talaga



Writer(s): Chito Miranda


Parokya Ni Edgar - Borbolen
Album Borbolen
date of release
10-12-2021




Attention! Feel free to leave feedback.