ALLMO$T feat. FTD - Rubberband текст песни

Текст песни Rubberband - FTD , ALLMO$T



'Di ba sabi mo noon
Walang bibitaw sa ating dalawa
Pinangako mo pa 'yun
Ako lang talaga't walang iba
Walang iba, sumagot ka naman
Gusto ko lang naman maintindihan
Kung ano talagang naisipan
Please lang, gumawa ka ng paraan
Para ako'y makita, para ako'y matikman na
Alam mo ba miss na miss na kita?
Baby, halika na, sobrang lungkot na talaga
'Pag wala ka dito sa tabi ko lalo na 'pag napaisip pa sa'yo
Wala nang magawa kung 'di tumulog nalang
Para ikaw ang mapanaginipan ko
Ikaw ang nasa puso't isipan ko
At panalangin na habang buhay na 'to
Noong ika'y lumapit, ako'y biglang napakapit
Nagtataka kung bakit muli kang sumasabit sa buhay ko
'Di ba tapos na tayo?
Ano ang dahilan, bakit ka pa naririto?
(Noong ika'y lumapit, ako'y biglang napakapit)
(Nagtataka kung bakit muli kang sumasabit sa buhay ko)
('Di ba tapos na tayo?)
(Ano ang dahilan, bakit ka pa naririto?)
Bakit nga ba hinayaan natin 'to na mawala? (Mawala)
Ano nga ba ang mga rason na sa atin nagdala
Na tapusin nang maaga ang ating nasimulan?
Hindi na natin maibabalik (babalik)
Mga panahon na dating tayo ay sabik
Dahilan kung bakit tila nawalan na ng gana
Magbigay ng pagpapahalaga at umibig pang ulit (yeah)
Sabihin mo sa'kin, ano ang problema kung ba't naririto?
Hindi 'yung babalik ka lamang kung kailan mo lamang gusto
Handa naman akong magsilbing balikat kapag malungkot
Pero asahan mo na 'di na'ko babalik at 'yan ang totoo
Noong ika'y lumapit, ako'y biglang napakapit
Nagtataka kung bakit muli kang sumasabit sa buhay ko
'Di ba tapos na tayo?
Ano ang dahilan, bakit ka pa naririto?
(Noong ika'y lumapit, ako'y biglang napakapit)
(Nagtataka kung bakit muli kang sumasabit sa buhay ko)
('Di ba tapos na tayo?)
(Ano ang dahilan, bakit ka pa naririto?)
Pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin
Ang mga alaala na iyong iniwan
'Di basta matalikuran madalas
Balik tanawin, gano'n ka pa rin
Walang pinagkaiba sa dati noong ikaw ay makilala
Mga oras na kasama kita ay maligaya
Ako'y nagsunod-sunuran, ngunit ang 'yong balak lang pala
Noong umpisa pa lamang ako ay utuin (utuin)
Ako naman si tanga
Na umaasang kaya mo rin akong mahalin (mahalin)
Ang galing mo rin, dahil alam mo na 'di kita matitiis
Kaya 'di ko na ninais na muling mapalapit
Kaya kung pwede ba ay lumayo ka sandali?
Isipin ko muna kung puso ba ay sususndin
Sapagkat ako'y dala na, pagod na kakaluha
Sa bangungot mong dala ay matagal nang nagising
Ngayo'y nagbabalik, ikaw ba ay nananabik?
Sa'kin o sadyang wala ka lang matakbuhan? (Matakbuhan)
Ano ang katotohanan ng ating kumustahan?
Nandy'an kapag may kailangan, tapos ako'y tatalikuran
(Ngayo'y nagbabalik, ikaw ba ay nananabik?)
(Sa'kin o sadyang wala ka lang matakbuhan?)
(Ano ang katotohanan ng ating kumustahan?)
(Nandy'an kapag may kailangan, tapos ako'y tatalikuran)
Paligid ay palaging masyadong malamig
Itong pag-ibig natin, aminadong nasaid
Kahit pa pilitin nating tumawid
Alam ko na wala rin namang makikinig
Kapag ka sumasagi ay nakakasabik
Muli na maranasan ulit na makilig
Kaso mukhang malabo na yatang bumalik
Kung ating napamukha na isarado ang bibig
Bintana'y binuksan at idinungaw ang mata
Nakita kita na ikaw din ay nag-iisa
Ako ay bumaba na para makausap kita
Kahit na pano'y lumuwag ang paghinga
Hindi talaga natin gustong magkaganito
Alam ko naman na ayaw mo na rin ng gulo
Kaso sa totoo lang kasi ay aminado
Ako na hindi na din kita kaya na masalo (masalo)
Hello, Love? I miss you
Pustan lang 'yang kapit
Halika, I love you
Noong ika'y lumapit, ako'y biglang napakapit
Nagtataka kung bakit muli kang sumasabit sa buhay ko
'Di ba tapos na tayo?
Ano ang dahilan, bakit ka pa naririto?
(Noong ika'y lumapit, ako'y biglang napakapit)
(Nagtataka kung bakit muli kang sumasabit sa buhay ko)
('Di ba tapos na tayo?)
(Ano ang dahilan, bakit ka pa naririto?)
(Ngayo'y nagbabalik, ikaw ba ay nananabik?)
(Sa'kin o sadyang wala ka lang matakbuhan?)
(Ano ang katotohanan ng ating kumustahan?)
(Nandy'an kapag may kailangan, tapos ako'y tatalikuran)



Авторы: Angelo Luigi Timog, Clien Alcazar, Jomuel Casem, Nino Luciano Andrade, Rocel Dela Fuente


ALLMO$T feat. FTD - Rubberband
Альбом Rubberband
дата релиза
17-09-2018



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.