ALLMO$T - Pagsuko текст песни

Текст песни Pagsuko - ALLMO$T



Tuliro sa kakaisip
Magbabago pa ba ang ihip
Kung susuko ka na
Susuko ka na
Bumitaw sa pagkakakapit
Nawala na yung dating init
Nung sumuko ka na
Sumuko ka na
Yung parteng ′to ay 'di ko napaghandaan
Dahan-dahang nawala ng ′di man lang nahigpitan
Yung kapit sa 'yong kamay nang 'di ko nagawang tignan
Nasasaktan ka na pala at ′di mo yun nagugustuhan
Kung wala ng panahon para maayos ′tong nasira
Dapat lang din sigurong pagsisihan nang hindi na
Muling madugtungan yung nabiyak na mga puso
Pagsuko na paalam lang ang siyang makakaguho
Sating pinagsamahan, masakit dahil biglaan
Kasalanan ko naman kaso lang ayokong pagdaanan
Nating mahiwalay kung kailan tayo nagtagal
Ay dun pa biglang lumabo yung ating pagmamahal
Tuliro sa kakaisip
Magbabago pa ba ang ihip
Kung susuko ka na
Susuko ka na
Bumitaw sa pagkakakapit
Nawala na yung dating init
Nung sumuko ka na
Sumuko ka na
'Di ko man lang nagawan
Ng paraan upang malabanan mo
Ang sakit ′di na mahigpit biglang nawaglit
Bakit 'di ko napansin
Na mawawala ka na pala
At sakin ay pagod ka na ′di ba?
Kung naipakita ko lang ang iyong halaga
Siguro ay pipiliin mo pa rin na manatili
Hindi kita masisisi kasi
Ikaw lang naman ang umiintindi
Sa kalagayan nating dalawa
Ang hirap pala ng nag-iisa
At ngayong alam ko na
Pero wala ka na
Wala ka na



Авторы: Teun De Kruif, Clien Alcazar, Alexander Maximilian Budniok, Jomuel Casem, Russell Dela Fuente, Angelo Luigi Timog


ALLMO$T - Pagsuko - Single
Альбом Pagsuko - Single
дата релиза
14-05-2020




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.