Dello - Positibo текст песни

Текст песни Positibo - Dello



Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Positibo
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Positibo
Isang papel na sinulatan ng kanta
Mga akdang pinagpuyatan na katha
Namamangha habang ako'y namamangka
Gamit ang mga paksa na nakikita sa bansa
Kailangan lang na matignan ng positibo
Iba ang masipag kumpara sa pursigido
Habang isinasalin ko sa baso ang mohito
Iniisip ko kung ano nga ba'ng papel ko rito
Isang manunulat
Pero ang buhay ko'y biglang nagbago lahat
May panahong ako'y ginagago na ay pinagtripan noon
Pero ngayon, muli akong nakakaangat
Salamat sa mga kumontra, ngayon, halika
Ika'y kabilang ba noon sa mga kontrabida?
Salamat kritiko, kahit alam ko na mali ka
Kasi lahat kayo, positibo kong nakita
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Positibo
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Positibo
Pasensya na kung 'di kita pinapatulan
Sa mga awit mo na iyong hinahaluan
Ng pangit na tunog, dapat inilulubog
At positibong mga bagay lamang ang pinapalutang
Positive na kumayod kung ikaw ay jobless
Para 'di ka puro satsat at 'di ka tackless
Positive vibes, good luck, at saka god bless
Maging positibo ka 'wag lang sa drug test
Chill lang para ang buhay mo'y banayad
Hindi naman lahat ay naidadaan sa bayad
Kapag mabunga ang puno, ikaw ay naha-high blood
Kaya binabato na parang Angry Birds sa iPad
Habang ako'y naka-upo lang, cool lang
Iniisip kung pa'no mapupunan ang kulang
Akala mo babagsak ako, mali ka
Kasi mga pagsubok, positibo kong nakita
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Positibo
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Positibo
Tunay na makulay ang bawat talambuhay
Pero minsan, lakas-tama na parang talampunay
Kahit ang isang paa nakaapak na sa hukay
Sa pagmamaniobra nu'ng obra, dapat mahusay
At kung sakaling madapa, may galos sa balat
At kung sakaling mangapa, nahalo sa lahat
Nang malapitan mo ay puro bungang pabalat
Tandaan mo ang Pinoy ay may dugo ng alamat
Basta tama ang galawan, isipin mo ang tama
'Wag kang magmukmok sa kwarto, silipin sa bintana
Bawat araw may hatid sa 'yong panibagong umaga
Kahit na mayro'ng unos dapat parin tayong tumawa
Ano man ang kaganapan, ano man ang balita
Ang lahat ng negatibo, alisin mo 'yan sa diwa
Ituwid ang pagkakataon na nagkamali ka
Para ang iyong buhay positibo mong makita
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Positibo
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Positibo
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Positibo
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Hindi lahat ng bagay ay mali
Positibo



Авторы: Wendell Gatmaitan


Dello - Prototype
Альбом Prototype
дата релиза
01-12-2014



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.