Gloc 9 feat. Yuridope - Saranggola текст песни

Текст песни Saranggola - Gloc-9 , Yuridope



Kay tagal ko nang dalangin
Mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito
Sinasambit mo ang pangalan
Mga kamay ko ay hawak mo
Walang kasing tumbas na yaman
Ang pagkakataong ito
Bakit ngayon mo lang naramdaman
Sa dami ng mga taong nagdaan
Tila tayo ay pising manipis
Upang hindi mapatid ay magtitiis
Na parang saranggola na hinihila pababa
Mga alaala nating dalawa
Sana ay mahanap mo ang tunay at totoo
Kung hindi sa piling ko, bitawan mo
Huwag umalis ang sinasabi
Lahat ay gusto mong mabawi
Mga nadaramay nahati
Kilala mo pa ba ako
Sa alaala nakatali
Salita na sari-sari
Na galing sayong mga labi
Patalim na itinarak mo
Bakit ngayon mo lang naramdaman
Sa dami ng mga taong nagdaan
Tila tayo ay pising manipis
Upang hindi mapatid ay magtitiis
Na parang saranggola na hinihila pababa
Mga alaala nating dalawa
Sana ay mahanap mo ang tunay at totoo
Kung hindi sa piling ko, bitawan mo
Sa huling pagkakataon ikaw pa rin ang rason
Kung bakit ba ako nsa alapaap ngayon
Andami dami kong gusto na itanong
Pero kung nandito na ko balewala na din ang 'yong tugon
Kaya ang mangyari ituon na lang ang pansin
Sa mga sumabit na huling maririnig na mula sa akin
Di pa man ako nawawala bakit ba ambilis mo agad tanggapin
Nawalan ng pag-asa ba masalba
Bagay na gustong gusto kong sagipin
Yun na lang naman ang dahilan kung ba't pa ko nabubuhay
Sa mundo ko ay kumukulay
Ikaw na gusto ko sanang makasama ko
Hanggang sa kabilang buhay
Tila hinatid mo ko dun sa dapat ko na higaang-hukay
Kinulang bako o lumabis sa paglalambing eh bakit naumay?
Yan lang ang katanungan kong nais magkasagot
Paliwanag na magpapaatras sakin sa liwanang, sumalubong
Pero malamang kung nais mong tulungan ako
Makabangon ikaw ay nandirito
T'wing mapapatalon ako sa saya o lungkot
Ikaw ang dahilan nito
Hangin saking pisngi na kay sarap
Kahit mga halik mo'y nagpanggap
Haba ng byahe ko'y patapos na
Bumilang ka ng segundong lima
Na parang saranggola na hinihila pababa
Mga alaala nating dalawa
Sana ay mahanap mo ang tunay at totoo
Kung hindi sa piling ko, bitawan mo
Kay tagal ko nang dalangin
Mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sulat akalain
Ang lahat ay magkakaganito
Kay tagal ko nang dalangin
Mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito



Авторы: Aristotle Pollisco


Gloc 9 feat. Yuridope - Saranggola (feat. Yuridope) - Single
Альбом Saranggola (feat. Yuridope) - Single
дата релиза
27-08-2021



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.