Joey Ayala - Panganay Ng Umaga текст песни

Текст песни Panganay Ng Umaga - Joey Ayala



Ang panganay ng umaga'y
Sumilip sa bintana
Ako'y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo
Mga buron at kabundukan
Nakahanay sa abot-tanaw
Bughaw na langit at kapatagan
Magkasintahang nagtatagpo
Lawa, ilog, dagat
Lamig, tamis, alat
Ulan, agos, alon
Haplos sa pisingi ng panahon
Sanlibong ulap nagliliparan
Kasabay ng agila at lawin
Bulong ng simoy awit ng hangin
Sigaw ng buhawi
Ako'y tao lamang
Taga-bigay ng pangalan
Taga-sukat, taga-bilang
Munting butil ng sanlibutan
Ang panganay ng umaga'y
Sumilip sa bintana
Ako'y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo



Авторы: joey ayala


Joey Ayala - Panganay Ng Umaga
Альбом Panganay Ng Umaga
дата релиза
24-03-2014




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.