Original Cast Recording - Dinobol Kros Tayo текст песни

Текст песни Dinobol Kros Tayo - Original Cast Recording



Dinobol-kros tayo ng pahamak na matanda!
Narinig n′yo ang bilin sa'min
Nangako kaming susunod sa kanyang sasabihin
Dirito kami kami habang-buhay sa piling ng Papa
Contra mundum. "Contra mundum," ang sabi kanina
Espere! Espere! Totoo ba ang tsismis?
Anong tsismis, Pepang?
Na nahuhumaling ang dalawang ito sa binatang nangangasera?
Ano ′ka mo?
Isa ng patay-gutom,
Walang pinag-aralan, isang bodabilista, isang pambrawn!
Hindi na ninyo isinaalang-alang ang pangalan ng ating angkan?
Paano kung umabot ang tsismis sa Papa?
Naku, alam ko na kung bakit nagkakasakit ang matanda!
Wala siyang sakit, hindi niyo lang alam
Ano'ng hindi namin alam? Ano'ng inililihim n′yo sa amin?
Gusto na niyang mamatay
Sinubukan niyang magpatiwakal
Aksidente ′ka n'yo—
Tumalon siya sa balkonahe
Pero bakit, Dios mio?
Kasi′y hinarap namin siya
Sinisi sa paghihirao namin
Sayang lang ang galing niya sabi namin
Ba't ′di siya gumaya kag Don Perico?
Sana'y nakapag-asawa kami nang
Mahusay at gumanda ang takbo ng aming buhay
Ano′ng sabi niya?
Wala
Ano'ng ginawa?
Pininta ang larawan
Binigay sa'min nang matapos
Para maibenta niyo nang magkapera kayo
Ang larawang ′yon ang inyong pag-asa
Nang paalis kami, ang sabi—
"Paalam, Candida. Paalam, Paula."
Puwes, lalong mahalagang mahiwalay kayo sa kanya.
Hindi, hindi siya gagaling hanggang hindi
Nalalayo sa inyo. Dadalhin siya sa ospital
At titira kayo sa amin ni Pepang!
Tinalikuran namin siya tulad ng pagtalikod n′yo sa kanya!
Ihihingi namin ng tawad tayong apat!
Basta ya! Tayo na Pepang!
At tanggalin n'yo ang mga karatula sa labas!
Dispatsahin n′yo ang inyong kasero.



Авторы: Rolando Tinio, Ryan Cayabyab


Original Cast Recording - Ang Larawan (The Complete Soundtrack)
Альбом Ang Larawan (The Complete Soundtrack)
дата релиза
09-03-2018




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.