Parokya Ni Edgar feat. Jay Contreras - Okatokat текст песни

Текст песни Okatokat - Parokya Ni Edgar feat. Jay Contreras



Oh, ano 'to? Mayro'ng tayong extra na silya dito
Siguro may makiki-jam sa 'tin
Dapat nag-magic kayo, eh
Nag-jumpshot bigla, kanina wala 'yan, ah
Mayro'ng tayong tatawagin na guest
Mula po sa bandang Kamikazee, napakatinding banda
Dadating na, ito na si Jay
Of course, muna, bago ang lahat
(Woo-hoo!) Haha (woo-hoo!) Woo-hoo! (Woo-hoo!) Woo-hoo!
Pumupula na 'yung- (Chee Gab)
Lasing na 'ko
Hoy, mga pare ko, ano'ng nangyari dito?
Bakit biglang namutla ang mukha ko?
Nanginginig, tumindig ang balahibo
Gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo, palayo
Hoy! Mayro'n akong nakita
Isang babae na nagpapakita sa kusina t'wing gabi
Nye! White lady ang dating
Okatokat, nakakapraning!
Ako'y kinabahan, dahan-dahang nilapitan
Mula sa likod, bigla 'ko siyang sinunggaban
Ako'y napahiya nu'ng nakilala ko kung sino
Si nanay lang naman pala, akala ko multo!
Tatay kong masungit (okatokat!)
Kaning mainit (okatokat!)
S'yota kong ma-gimik (okatokat!)
Punung-puno ng sabit!
Mag-isa sa kuwarto, ano ba naman ito?
Sa gitna ng dilim, kabado na naman ako
Sa 'king paligid, mayro'ng nakatitig
Okatokat, ako ay nanginginig
So, ako'y tumahimik at ako'y kinabahan
Bumaba mula sa kama ko, dahan-dahan
Sabay takbo sa ilaw at bigla kong binuksan
Salamin lang pala, buti na lang!
Tatay kong masungit (okatokat!)
Asong makulit (okatokat!)
Teacher ko na nakakabuwiset (okatokat!)
Na ubod pa ng panget!
Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng panget at ibigin mong tunay
Isang panget na talagang 'di mo matanggap
At huwag ang lalakeng na iyong pangarap
Ngunit kung bakit ko sinabi 'to ay simple lang
'Pagkat magagandang lalake, naglalaro lang
Ng 'yong oras, bago, 'di lang at salapi
Ngunit handang-handang iwan ka naman sandali
Na ikaw ay wala ng ibigay di ba?
Kaya pangit na lalake ang hanapin mo, 'day
Kung hindi, sige ka, puso mo'y mabibiyak
Mawalay man ang panget ay hindi ka iiyak, 'di ba?
Humanap ka ng panget
'Wag na, uy, 'wag na 'wag na, uy
Humanap ka ng panget
'Wag na, uy, 'wag na 'wag na, uy
Humanap ka ng panget
'Wag na, uy, 'wag na 'wag na, uy
Sasabihin ko sa inyo kung ano'ng nangyari
Nu'ng may ma-date akong isang panget na babae
Manliligaw daw niya ay talagang ang dami
Ngunit nu'ng siya'y nakita ko, mukha siyang tae
Sa akin ay matatawa ka talaga
'Pagkat kahawig na kahawig niya si Zoraida
Maniwala ka at ako'y napa-ibig niya (bakit?)
Eh, kasi ang bait-bait niya
Lahat ng aking hilingin, 'di tumatanggi
Palagi siyang nakahalik sa aking pisngi
Ako'y siya, wow
Araw-araw na 'di siya kasama ko tila gusto kong sumigaw
Gusto kong iwanan siya ngunit ako'y nagising
Ito ba'y totoo o isang panaginip?
'Di siya maganda, ngunit ako'y kanyang hari
'Di ka matanggihan kaya kasama mo palagi
Sabihin man nila na ako'y mang-mang
Para sa akin, kagandahan ay hanggang balat lamang
At sa inyo, mayro'n akong ibubulong
Second anniversary na namin 'to, tsong
Kaya para lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng panget at ibigin mong tunay
At kung hindi, sige ka, puso mo'y mabibiyak
Mawalay man ang panget ay hindi ka iiyak, 'di ba?
Humanap ka ng panget
'Wag na, uy, 'wag na 'wag na, uy
Humanap ka ng panget
'Wag na, uy, 'wag na 'wag na, uy
Humanap ka ng panget
'Wag na, uy, 'wag na 'wag na, uy
Panget
'Wag na, uy, 'wag na 'wag na, uy
Panget
'Wag na, uy, 'wag na 'wag na, uy
Panget
'Wag na, uy, 'wag na 'wag na, uy
Panget
Ibigin mo'ng tunay, break it down, yo!
Thank you very much!
The man! (Yeah)
Salamat!
Ayos 'yan
Ang galing-galing
Jay, galing mo, Jay
Oh, Jay, tapos na tugtog mo
Ba't 'di ka pa umuwi?



Авторы: Chito Miranda, Rondel Lindayag


Parokya Ni Edgar feat. Jay Contreras - Inuman Sessions, Vol. 1
Альбом Inuman Sessions, Vol. 1
дата релиза
01-01-2004



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.