Parokya Ni Edgar - Wala Lang Yun текст песни

Текст песни Wala Lang Yun - Parokya Ni Edgar



Nahuli na naman ako, mayro'n ibang ka-text
Pero pangako sa iyo, wala akong ibang ka-sex
Sapagkat 'di ko kayang mawala ka
At hindi ko rin alam at ako'y nagtataka
Kung bakit parang hindi ko mapigilang magpa-cute
Kahit alam ko na wala lang, basta cute
Parang kailangan kong subukan upang malaman
Kung kaya ko pa ba at kung hanggang saan
Tandaan mo lang sana
Na ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba
At kahit na alam ko na hindi naman dapat gano'n
Wala lang 'yun, 'wag kang mag-alala
Wala lang 'yun, ikaw lang talaga
Wala lang 'yun, parang awa mo na
Wala lang 'yun
Siguro hindi mo maiintindihan
Na likas sa lalaki ang kanyang kalokohan
Pero hanggang du'n lang ako
Wala naman akong balak magloko
Konting landian lang naman
Hindi ko papaabutin sa kung ano'ng iniisip mo
Sige na, please lang, patawarin mo ako
And please, tandaan mo lang sana
Na ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba
At kahit na alam ko na hindi naman dapat gano'n
Wala lang 'yun, 'wag kang mag-alala
Wala lang 'yun, ikaw lang talaga
Wala lang 'yun, parang awa mo na
Wala lang 'yun
Kung wala lang pala 'yun, bakit ko ginagawa?
'Di ko ba naisip na baka nasasaktan kita?
Sa mga kalokohan na wala lang
Du'n pa lang, mayro'n na 'kong kasalanan
Kung talagang mahal kita, dapat kaya kong pigilan
Ang pakikipaglandian sa mga kababaihan
Na magiging dahilan ng kasinungalingan
Dahil mas mahalaga sa akin ang pag-ibig mo
Mapanindigan ko sana
Na ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba
At pangako sa iyo, mula noon hanggang ngayon
Wala lang 'yun, 'wag kang mag-alala
Wala lang 'yun, ikaw lang talaga
Wala lang 'yun, parang awa mo na
Wala lang 'yun



Авторы: Chito Miranda


Parokya Ni Edgar - Pogi Years Old
Альбом Pogi Years Old
дата релиза
17-10-2016




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.