Parokya Ni Edgar - Si Aiza, Si Norma, At Si Jen текст песни

Текст песни Si Aiza, Si Norma, At Si Jen - Parokya Ni Edgar



Aiza, nang makilala ka
'Di ko maipinta, galak na nadarama
Natataranta sa t'wing tayo ay magkasama
Kahit sa'n magpunta, abutin man ng umaga
Nais ko ay makapiling kita sa t'wina
Mayakap ka, oh, sinta
Lagi mong tatandaan na ikaw lang at wala nang iba
Ngunit lahat ay nagbago nang may biglang dumating sa buhay ko
Hindi ko sinasadyang mahulog ang aking mundo sa kanya
Ang aking mundo (ang aking mundo), biglaang gumuho
Ang aking mundo (ang aking mundo), sa kanya na iikot
Iikot kay Norma
Norma, nang makilala ka
Parang mas masaya 'pag ikaw ang kasama
Natataranta sa t'wing tayo ay magkikita
Kahit sa'n magpunta, abutin man ng tanghali
Nais ko ay makapiling kita sa t'wina
Mayakap ka, oh, sinta
Lagi mong tatandaan na ikaw lang at wala nang iba
Ngunit lahat ay nagbago nang may bigla na namang dumating sa buhay ko
Hindi ko sinasadya, mahulog na naman ang aking mundo sa iba
Ang aking mundo (ang aking mundo), bigla na namang gumuho
Ang aking mundo (ang aking mundo), sa kanya naman iikot
Iikot kay Jen
Jen, ikaw na talaga
Kahit sa'n magpunta, gabi, tanghali, umaga
Wala nang iba
Ikaw lang at wala nang iba
Si Aiza, si Norma, at si Jen
Si Aiza, si Norma, at si Jen
Si Aiza, si Norma, at si Jen (si Aiza, si Norma at si Jen)
Si Aiza, si Norma, at si Jen



Авторы: Darius Semaña


Parokya Ni Edgar - Pogi Years Old
Альбом Pogi Years Old
дата релиза
17-10-2016




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.